Chapter 1008: Road To Destruction
Magpatuloy mamili…?
Balisang naglakad lakad si ZHuang Rongguang sa loob ng kanyang silid, kinakamot niya ang kanyang ulo at talagang nagiisip ng malalim.
Pinakamahusay siya sa paglalaro! Ano pa ba ang kaya niyang gawin?
Racing? Oo! Magaling din siya magrace!
Pero mukhang maraming alam ang bastardong ito. Mapanganib masyado…
Cards, horse riding, sugal...nagisip si Zhuang Rongguang ng maraming bagay pero wala sa mga iyon kung saan pwede niyang talunin si Ning Xi!
Sa huli, mukhang hindi maayos si Zhuang Rongguang dahil napagtanto niya na wala siyang kwenta…
Noong paubos na siya ng mga ideya, bigla niyang naisip. "Tama! Shooting! Labanan mo ako sa shooting!"
Naging awkward ang ekspresyon ni Ning Xi nang marinig niya ang challenge ni Zhuang Rongguang.
"Shooting...bakit shooting?"
Binata, bakit gusto mong sirain ang sarili mo…?