Chapter 1006: Isang Laro Para Hatulan
"Sigurado ka? Naglalaro ka ba!? Alam mo ba ang 'Holy Realm'?" Tinitigan ni Zhuang Rongguang ang lalaki sa harap niya ng may pagdududa, pakiramdam niya ay creepy ang ngiti ng lalaki.
"May account ako." sagot ni Ning Xi.
Naglalaro din ang bastardong ito ng Holy Realm? Medyo nagulat si Zhuang Rongguang. Nagsabi pa siya ng ibang laro pero alam niya ito lahat.
Pagkatapos pag-isipan, pinili niya pa rin ang Holy Realm sa huli dahil doon siya pinakamagaling sa ibang laro.
Pinlano niya noong una na manghiram ng account ng iba lalo na dahil sa nangyari sa kanya noong huli. Pinangako niya sa lahat na ititigil niya na ang paglalaro kaya nakakahiya na para sa kanya na mag-login sa kanyang main account. Subalit, kung ang gagong ito ay may mga premium na weapons, mapapahiya siya at matatalo agad.