Chapter 1002: Exciting Siguro Iyon…
"Ano, ano? Anong balita?" mabilis na tanong ni Ning Xi.
"Kahit hindi ko nakokontak si Tang Ye, nakipagkita naman ako kay Third Senior Sister at sinabi niya sa'kin na ipaalala ko sa'yo na mag-ingat ngayon dahil may malaking trick si Feng Jin!" sabi ni Tang Lang.
Agad na kinilabutan si Ning Xi nang maring niya ang babala. "Bwisit! Dahil pinaalala sa'yo ni Third Senior Sister, bakit hindi mo agad sinabi sa'kin kanina!? Kung hindi pa kita tinanong, sasabihin mo sa'kin? 'Wag ka ngang maging petty at gamitin ito para gumanti sa'kin!"
Umirap si Tang Lang sa kanya. "Gantihan mo pwet ko! Si Feng Jin ang kikilos. Sa tingin mo ba gagana iyon kung mas maingat ka? Mas maigi pa kung wala kang alam sa buhay at maging carefree! Isa pa, mayroon kang tao na pumuprotekta sa'yo kaya ano pang dapat ipag-alala?!"
Rinig ang selos sa boses ni Tang Lang noong sinabi niya ang ikalawang parte ng pangungusap niya.