Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Primo Writes

🇵🇭casperallen
--
chs / week
--
NOT RATINGS
7.5k
Views
VIEW MORE

Chapter 1 - 'Pag tumingin ka, Tayo pa!

By : Primo Castor

-

" I love you! "

" I love you more, babe! "

" Kiss ko? "

" Mwahh! Mwahh! "

" I miss you, babe! "

" I miss you more, babe! "

" Okay ka lang? "

" Oo, ayos lang. " * deep inside hindi*

/ hugs you /

" May pupuntahan lang ako, babe ah. "

" Bahala ka. " it means ' wag '

" H'wag na nga. Di naman mahalaga yun eh. " / hugs you /

Masaya kami ni Jacob sa t'wing magkasama kami. Walang oras na 'di mapunta sa harutan ang asaran. Lagi namang asar talo ako. Lahat ng oras namin ay pinapahalagahan namin tulad ng pagpapahalaga namin sa isa't isa. Bawat araw ay parang anniversary namin dahil sa kung ano-anong paandar ni Jacob.

Araw-araw may flowers at chocolate akong natatanggap mula sakanya at kung minsan pa nga ay kung saan-saan kami magpunta mapasaya lang namin ang isa't isa. Maituturing kong perfect ang relationship namin, walang away puros ligaya. Sya na talaga ang mamahalin ko habambuhay.

" 'Pag tumigin ka, akin ka. " sabi ko sa harap ng camera at agad lumingon si Jacob na nauwi nanaman sa harutan.

Limang taon na kami ni Jacob at napagplanuhan na naming magpakasal. Napag-usapan na namin ito bago pa ang ika-limang taon ng relasyon namin. Walang tutol sa amin. Walang anumang balakid, sa tingin ko.

Pero paano kapag unti-unting maglaho ang inaakala kong ' perfect relationship ' namin?

-

" Babe, may problema ba? " tanong ko sakanya at akmang hahalikan ko ang kanyang labi pero umiwas ito

" Ciara, pagod ako. Matulog na tayo, maaga pa pasok ko bukas sa opisina. Goodnight. " at nagtalukbong ito ng kumot

Siguro nga ay marami ang gawain sa opisina nila kaya intindi ko nalang sya. Niyakap ko na lamang sya pagtulog.

-

" Good morning, babe! " pagbati ko habang hawak ang gatas at paborito nyang pancake na nilagyan ko ng ' Sorry ' na chocolate syrup.

" Morning " tanging sambit nya at pumunta agad sa C.R para mag-ayos

Sinundan ko sya para humingi ng pasensya pero naka lock ang pinto. Paglabas nya ay nakapang-opisina na ito.

" Aalis ka na kaagad? Di mo man lang ba kakainin ang inihanda ko? " tanong ko sakanya

" Diba sabi ko maaga pasok ko ngayon. Late na ako. Dun nalang ako kakain sa opisina. " sagot nito

" Ahh ganun ba? Sige, sandali at ibabalot ko nalang yung pinaghanda ko. Baunin mo nalang, wag magpapalipas gutom, babe— "

" H'wag na, Ciara. Sige na bye na. Late na talaga ako. Bye! " at agad agad umalis ng walang yakap o halik man lang.

-

Nandito ako ngayon sa sala, hinihintay si Jacob na makauwi. Anong oras na. Alas onse na pero wala parin sya.

" Hays, baka natraffic lang sya. " sambit ko sa sarili ko

Hindi ko na namalayan pa ang pagdating nya dahil sa nakaidlip ako kakahintay sakanya.

Kinabukasan ay nagising na lamang ako dahil sa sinag ng araw. Napansin ko rin ang kumot na nakabalot saakin.

Agad kong hinanap si Jacob sa kwarto pero wala na ito. Maging ang bag nya ay wala narin. Pagpunta ko sa kusina ay napansin ko kaagad ang note na nakadikit sa ref.

Note :

" Hindi ko na ginambala pa ang tulog mo kagabi. Salamat sa paghihintay.

May pagkain narin dyan sa loob ng ref. Kain ka nalang.

– Jacob "

Naging ganito na ang nadadatnan ko umaga at gabi. Di ko narin sya naabutan pa sa umaga, maging ang pag-uwi nya ay hating gabi na. Nauubusan narin sya ng time para sa'kin. Kaya't naisip ko na kausapin sya.

" Jacob, may problema ba?! Sabihin mo nga sa'kin! Wala ka ng oras sa'kin, wala ka na lagi sa bahay, lagi kang umaalis. Jacob, sabihin mo sa'kin hindi yung nagmumukha akong tanga kakahintay sa wala! " pranka kong sigaw sakanya habang nag-aayos ng necktie sa tapat ng salamin

" Ano ba, Ciara! Aya nanaman yang drama mo! Tigilan mo nga yang drama mo! " bulyaw nya sa'kin

" Aba, ako pa talaga? Eh halos 'di ka umuwi dito sa bahay tapo— "

" Dahil ayoko na, Ciara! " sigaw nya na nagpatulala sa'kin

" Ciara, ayoko na! Nakakasawa na! 'Di na ako masaya sa relasyon natin, Ciara! Pagod na ako! " dugtong nya pa at akmang aalis ito palabas pero niyakap ko ito patalikod

" Babe naman.. H'wag kang magbiro ng ganyan, babe please.. Magpapakasal pa tayo diba? Bubuo pa tayo ng pamilya.. Babe naman.. Walang ganyanan.. " sabi ko habang umiiyak. Unti-unti nyang tinanggal ang pagkakayakap ko at sinabing

" Ciara, tama na. " at tuluyan na syang umalis

-

Kinabukasan ay nadatnan ko syang nagliligpit ng mga gamit nya.

" Babe, sa'n ka pupunta? Babe naman.. H'wag kang aalis, please naman.. " sambit ko habang hawak ang kamay nya't umiiyak

" Ciara... "

" Babe, kahit isang linggo pa. Kahit ilang araw pa, please.. " pagmamakaawa ko sakanya

" Hayss, Ciara nama— "

" Jacob, please! Isang linggo pa! " hagulhol ko na tanging tango nalang ang naisagot nya

-

Para sa relasyon natin gagawin ko lahat maisalba lang ang palubog ng pag-asa.

DAY 1 :

Ginawan ko sya ng pancake na may ' I love you, Jacob. 'na chocolate syrup.

" Dun nalang ako kakain sa opisina, mali-late na ako. " sambit nya

DAY 2 :

Ipinagluto ko naman sya ngayon ng paborito nyang adobo sa umaga.

" Salamat, palagay nalang sa ref. Alis na ako. " tangi nyang sambit

DAY 3 :

Gagabihin sya ngayon at naisipan kong maglagay ng mga candles sa buong kwarto at dining area para sweet ang set up namin.

" Ciara naman! Susunugin mo ba itong apartment?! " at isa isang pinatay ang sindi ng mga kandila

DAY 4 :

Nagdecorate ako ng buong kwarto na may mga stuff toys na binigay nya sa'kin noon. May mga hearts hearts ding nakasabit.

" Ciara, di ka na bata! Ang kalat oh! Di ka na bata para sa mga stuff toys na yan! " sigaw nya

DAY 5 :

Binili ko ang gustong gusto nyang PlayStation na matagal na nyang request sa'kin.

" Nagsasayang ka lang ng pera, Ciara! " bulyaw nya

DAY 6 :

Sa araw na ito ay hindi ako nagparamdam o kahit ang magpakita sakanya. Akala ko ay hahanapin nya man lang ako o kahit kamustahin pero wala. Walang Jacob na nagparamdam.

DAY 7 : Last Day

Sa gabing ito ay ang pinakahuling alam kong paraan para maisalba pa. Dito kami nagkakilala at dito rin dapat maisalba.

Dinala ko sya ngayon sa parke na kung saan marami ang rides at magagandang tanawin.

Pumunta kami sa Horror House, sinubukan din ang Vikings, Ferris Wheel, Octopus, Roller Coaster at kung ano ano pa. Sa huling sandali ay nakita ko ang saya sa kanyang maamong mukha. Muli kong narinig ang masaya at makulit na tawa ni Jacob. Sana ganito nalang ulit.

Pagkatapos ay nagpunta naman kami sa seaside at naglatag na pangpicnic. Pinapanood ang mga barkong puno ng iba't ibang kulay ng ilaw. Habang nagpapatugtog kami ng isang kanta.

Maya't maya pa ay nag-umpisa ang fire works show na paboritong paborito nya. Tinitigan ko ang mukha nya. Muli ko nanamang nasilayan ang mga ngiti sa kanyang labi. Tuwa't galak sakanyang mga mata.

" Whooo!! The best!! More!! HAHAHAHAHA " sigaw nya habang ako'y nakatitig parin sakanya

Di ko na namalayan pang tapos na pala ang show.

" Uyy! Ciara! "

" Ahh sorry. "

" HAHAHAHAHA gwapong gwapo ka nanaman sakin. " pabiro nya na may halong tuwa

" Ahmm.. Jacob, wala na ba talagang pag-asa? " pagbabago ko sa usapan

" Ciara... "

" Sabi ko nga, wala na. HAHAHAHAHA Tanga ko. Bakit ko pa kasi tinanong sayo. Hays Ciara asa pa! " pilit kong tawa kahit masakit na.

Pinipigilan ko na h'wag pumatak ang mga luha sa mga mata ko pero huli na ang lahat.

Umiyak na lang ako ang umiyak sa sakit. Habang binabanggit ang katagang " Sorry Jacob ". Iniharap ni Jacob ang mukha ko't pinunasan ang mga luha sa aking pisngi.

Napansin ko ang sakit sa kanyang mga mata. Pinipigilan nyang umiyak.

" Sorry Ciara.. Sorry talaga.. Uwi na tayo, lumalalim na ang gabi. Baka sipunin ka pa. " akmang aalis na sya pero niyakap ko sya at di na napigilan pang humagulhol.

🎶 Kayat yakapin mo ako...

Kahit hindi totoo.. 🎶

" Sorry, Babe kasi di kita napasaya. Sorry kasi nagsawa ka na. Sorry kasi kinulit pa kita. Sorry ang tanga tanga ko. Sorry talaga, Babe! Sorry😭 "

🎶 Naintindihan kita kung

talagang sawa ka na 🎶

" A-ako dapat ang humingi ng pasensya Ciara. S-sorry, Ciara. Sorry talaga. " paghingi nya ng paumanhin at kumalas sa pagkakayakap at naglakad palayo.

Agad akong tumayo kahit hirap na. At sinigaw ang mga katagang

" 'PAG TUMINGIN KA, TAYO PA! " sigaw ko kahit umiiyak na parang bata

Alam ko na narinig nya, alam ko na lilingon sya. Alam ko na magiging kami pa. Alam ko na mahal pa namin ang isa't isa. Alam ko yan.

" Lumingon ka please😭 " sambit ko sa sarili habang humahagulhol

Tuloy parin sa paglakad si Jacob. Bakit hindi humihinto?! Jacob!! Lumingon ka, please!! Unti-unti na syang nawala sa paningin ko.

Wala ng Jacob sa buhay ko.

Wala na ang Jacob ko.

Wala na ang ikaw at ako.

Paalam Mahal ko.